Duterte Till The End

Aaminin ko nasasaktan ako ng todo everytime na nakakakita ako ng black propaganda kay Duterte sa facebook. Siguro nga you can now call me a Dutertard lol ganon ata talaga eh noh? Pag ang puno malago, binabato. Masakit kasi alam ko na he’s a good leader. Si Duterte aaminin ko na hindi talaga sha kasing galing nila Poe and Roxas sa pagsasalita ng mga mabubulaklak at masasarap pakinggan na speeches pero sha yung tao na more on sa gawa kesa sa salita. Tried and tested na sha ng Davao. In short my nagawa na. My napatunayan na. Hindi sha puro dada, puro pangako, ginagawa talaga nya. Alam mo his personality nga actually reminds me of Luna. Merong foul mouth, babaero, sobrang strict pero he would die for his country and gets the job done. Sawang sawa na ko sa mga candidates na ang tagal tagal na sa government pero wala namang nagagawa. Imbes na aminin ang kamalian ng existing administration kinakampihan at pinagtatakpan pa. Puro lang sila pangako and flowery words pero wala namang napapatunayan talaga unlike Duterte. Atleast si Duterte my track record na sha sa accomplishments nya. Yun ang kelangan ng Pilipinas. Someone na kikilos para sa bayan hindi para sa sariling interes. Sawa na ko sa puro Marcoses at Aquino sa government at sa mga taong ka alyado nila. Diba nga birds with the same feather flock together? Kaya ako wala ng magpapabago ng isip ko. Kahit ano pang black propaganda ang ilabas nila ilalaban ko ang suporta ko for Duterte and Cayetano. Mas excited pa nga akong bumoto sa May 9 kesa sa mismo kong birthday. Kaya ikaw matanong ko lang? Yung susuportahan mo bang presidentiable eh can implement yung mga pangako na binibitawan nya? O baka naman meron na shang record ng pagiging unreliable, unexperienced and corrupt? 

Leave a comment