I Thought You Were My Friend

Akala ko naman talagang mini-mean nya everytime na tinatawag nya kong TF. Tf means true friend. Sha nagbigay sakin ng nickname na yun. He considers me as a true friend kasi ako daw yung kaibigan na mabait, lageng anjan lalo na in times of trouble. Eventually na realize ko na true friend na din ang tingin ko sa kanya kasi after all these years anjan pa din kame sa isa’t isa. Lemme just give you a lil idea kung pano kame nagkakilala. Classmates kame ni TF nung college. Hanggang sa nagkaron sha ng gf from the same school and course. Masaya kameng magbabarkada para sa kanila. Hanggang sa naka graduate na kame and all. Yung gf nya sadly had to leave for Italy after graduation kasi dun na sila magmamigrate kasama ng family ng girl. Naiwan dito si TF sa Pinas. Yung relationship nila nung girl continuous despite the distance. Lage shang pinapasyalan nung girl dito taon taon. Nakita namen ang true love nila for each other and we were happy for them. Hanggang sa nagpakasal na sila dito sa Pinas and nagbunga na ang kanilang marriage ng one healthy baby boy. 
Sinabihan na nya kame na inaasikaso na nilang mag asawa yung papeles para makasunod na din si TF and the baby to Italy para magkasama sama na silang pamilya. We were all excited for them. Sabi ko wag nya kame kalimutang sabihan kung kelan na ang alis nila para naman makapag bonding naman kame before he leaves. So you can imagine how i felt nung nakita ko na lang sa Facebook 2 days ago na asa airport na sha with his baby and palipad na to Italy. Ang yabang yabang pa ng post na Goodbye for now Philippines. Like wtf?! Pano mo naman nagawa yun sameng mga kaibigan mo? Kahit na sabihin mong busy ka na at wala ka ng time makipag bond samen sana naman sinabihan mo kame na aalis ka na para nakapag usap naman tyo sa phone at nakapagpaalam sa isat isa ng maayos. Bakit ka ganon TF?! Porket masaya ka na kasi pupunta ka ng Italy hindi mo na binigyan ng importansya kameng mga kaibigan mo? Dont we deserve a decent goodbye man lang? At sa Facebook pa talaga namen nalaman na aalis ka na. Ni hindi mo man lang sinabi samen ng maayos? I dont even know if i should still be calling you TF. Masama ang loob ko sayo. Yun pa naman ang pinaka ayoko sa tao. Yung hindi madunong magpahalaga ng TUNAY sa kaibigan. 

Leave a comment