I’m So Fuckin Tired

D7FF2648-08BF-4EC6-A79D-55DE71A5F22C

I’m having a hard time adjusting sa bago kong work. Lagi akong umuuwi na sobrang pagod. Not because of the travel papunta and pauwi from work but sa mismong trabaho na assigned sakin. Nabigla ako. Akala ko as a trainee uunti untiin muna nila ang pagbigay sakin ng job responsibilities. Gradually ako na bibigyan ng trabaho hanggang sa makapag adjust ako totally. Pero hindi eh. Sa 2nd day ko pa lang sobrang tinambakan na nila ako ng workload na im really not familiar with. I said im willing to learn pero I cant learn naman everything in just a few days. I cant compete with the other employees na nagwowork there for more than 5 years. Im sorry alam ko na sinabi ko na basta matanggap ako sa work na to eh pagbubutihan ko ang trabaho ko and hinding hindi na ko magreresign pa. Yun naman talaga ang gusto kong mangyari. Umaasa pa din ako na maging ganon ang takbo ng career ko sa ospital na to. Sobrang pangarap ko mag trabaho sa ospital. I find caring for people fulfilling pa din pero ang hirap gampanan ng role mo if understaff yung ospital na pinagtatrabahuhan mo. Imagine always 30+ yung patients namin sa ward and dalawa kami na nursing aide na maghahati don!

I love my patients pero my god please have mercy naman po. Sana makapag hire sila ng pwede namin na maka relyebo sa ward. Minsan sa sobrang pagod ko nakatulala na lang ako pag uwi. As in parang wala na ko sa sarili ko and sobrang napapalakas ang kain ko kasi sa sobrang pagod ko eh sa food ako nagtuturn for relief. I cant help it. Kasi hindi biro yung pagod that I endure sa work na yun everyday. Yung plantar fasciitis ko nga na matagal ng gumaling eh bumalik dahil sa prolonged standing na ginagawa ko sa work. Hindi ako maka upo ng maayos kasi lahat ng seats eh usually taken ng nurses and intern. Kaya there would be times na pupunta na lang ako ng CR and ibababa ko yung toilet seat and no matter how yucky it is eh dun na lang ako uupo just to have that bit of relaxation that I need. Pati yung likod ko eh sumasakit na din. Most especially my lower back. Ang hirap ng matangkad kasi may tendency na kelangan mong yumuko. And most of their beds there eh sira yung adjustment para maitaas mo yung kama. Kaya ako talaga ang mag a-adjust which is very difficult for me kasi matangkad ako so ang bilis sumakit ng lower back ko.

God ayoko mag resign. I would love to keep this job kasi eto naman talaga ang pangarap ko diba? So God please bigyan nyo naman po ako ng enough strength and lakas ng loob para matagalan tong work ko na to. Alam ko na I really cant have it all pero baka pwede naman po sana na paki bless naman po ako ng stronger mind and body?

Sunday ngayon kaya ninanamnam ko na yung last day ng bakasyon ko. Matutulog at hihiga ako for as long as I want. Kasi bukas sasabak na naman ako sa brutal na duty. Just like what i always tell my friends, “It’s another day in hell.”. So help me God.

cursive-fonts