Rest In Peace Tito Ike

Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Mas mauuna pang mamatay yung dapat na aalagaan ko sa Canada bago pa matapos yung process ng work visa application ko. Nakakalungkot and nakakapang hinayang. Siguro kung andon ako hindi siguro mangyayari yung nangyari sayo ngayon Tito Ike. Mas naalagaan ka siguro ng mas maayos. Malungkot Tito Ike pero atleast ngayon hindi ka na nahihirapan kasi kasama mo na sila Lola Pitang and Auntie. Pwede ba Tito Ike paki sabi naman kay Papa na miss na miss na namin sya. Nahihirapan ako ngayong wala na sya pero alam ko na wala ng ibang maaasahan ang mama kundi ako lang. Paki sabi din Tito Ike kay Papa na paki gabayan naman nya kami ng mama kasi may mga oras talaga na gusto ko na lang mag breakdown kasi nahihirapan ako sa finances and sa decision making.

I guess may perfect reason ang Diyos kung bakit parang hinarangan nya yung pagpunta ko sa Canada. Baka merong mas better ways para makapag abroad? Sana si Tyler na nga ang sagot sa matagal ko ng dasal. Mahal na mahal ko naman yung tao and mas mamahalin ko sya kung sya ang magiging tulay para matupad ko ang mga pangarap ko.