I Almost Died

Muntik na kong mamatay kagabi. Kumakain ako ng chichirya na Kirei kagabi habang nagkakaraoke kami ni Tyler sa Smule. An hour later habang nakahiga na ko sa bed nakaramdam ako ng itchiness sa dibdib and then in a couple of minutes nangati na din yung tiyan ko, ilalim ng boobs, braso, hita, talampakan, then nangati na din yung scalp ko then forehead, eyes, neck, pati pipi ko nangati na din and even my butt and buttcrack. Yung mukha ko namaga na. Yung palad ko nangati na din and sobrang pula na nya and sobrang lumobo na din to the point na hindi na ko makahawak ng cellphone. Nagsisimula na din ako mahirapang huminga. Grabe ang takot ko kasi nag iisa lang ako. I mean andito nga ang mama pero wala naman syang magagawa kasi mahina na din naman sya. Iniisip ko pwede naman akong tumakbo sa ER pero shit wala akong pera and yung kamay ko naninigas na sa sobrang pangangati and maga! Madaling araw na din non so nahihiya na akong contact-in sila Ate Heidi. Sabi ni Tyler a cold shower can help kaya dali dali akong nag shower and yes nakaka relieve sya kahit papaano pero yung itchiness bumabalik as soon as umalis ako sa tubig. Thank God naalala ko na may Benadryl pala ako dito. Nag iisa na lang yung 50mg capsule and dali dali ko syang ininom. Thank God kasi after 30 minutes to an hour nagsimula ng mag subside yung itchiness and swelling and eventually nakatulog na din ako kasi mga around 4am na din sya. Grabeng experience. Ang hirap pag nag iisa ka sa buhay. Now I understand bakit gusto na ako mag asawa ng mama. Hindi dahil sa gusto lang nya ako mag asawa kundi gusto nya akong may makasama sa buhay. Kasi totoong ang hirap mag isa lalo na pag may sakit ka.

Ang pinagtataka ko lang na wala naman akong any allergies before so nakakagulat lang na kung kelan ako adult na tyaka pa ko nag develop ng allergy sa shrimp. Napakahilig ko sa palabok and tempura so hindi ko maintindihan kung bakit ako nagka reaction sa shrimp flavored na chichirya na yun. Pero sabi nga ni Tyler baka meron pang ibang allergens ang nasa Kirei na naging cause ng allergic reaction ko. Pero one thing i’ve learned from this experience and yun yung iwasan na ang pagkain ng kirei, avoid muna yung shrimp just to be safe and most importantly dapat laging may stock ng Benadryl sa bahay and sa bag. I’m just glad to be alive.